Kelot tumalon sa Ro-Ro sa Bacolod

NASAWI ang isang lalaki makaraang tumalon umano sa sinasakyang Roll-on Roll-off (Ro-Ro) vessel sa Bacolod City.

Ayon sa Philippine Coast Guard Bacolod Station, tumalon si Ninoy Pillado, 26, ng Dumangas, Iloilo sa barkong pag-aari ng LCT Holy Family Navistar Company kaninang tanghali, 2.1 nautical miles mula sa Bredco Port sa naturang lungsod.

Kaagad namang na-rescue ang biktima at isinugod sa Western Visayas Regional Hospital ngunit idineklarang patay bandang 1:30 ng hapon.

Nabatid na ang naturang barko ay mula sa Dumangas at papadaong na sana sa puerto ng Bacolod nang maganap ang insidente.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung bakit tumalon sa barko ang biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply