Kiko kinutya ang dating kaalyadong si GMA

KUNG noong kasagsagan ng canvassing sa 2004 presidential elections ay kanyang ipinagtatanggol, ngayon ay kinukutya na ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang dating kaalyadong si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kanyang reaksiyon nitong Biyernes (Disyembre 9), sinabi ni Pangilinan na walang dapat sisihin sa samu’t saring kaso kabilang ang electoral sabotage hinggil sa dayaan noong 2004 presidential election kundi ang sarili nito.

“Sinasabi niya na puro ‘paninirang-puri’ ang ginagawa ng administrasyong ito, pero hindi ba siya naman ang sumira sa sarili niyang pangalan at ‘puri’?” ayon kay Pangilinan,

“Siya ang sumira sa sarili niya dala ng ‘Hello Garci’, ng fertilizer fund scam, ng NBN-ZTE deal, ng Maguindanao Massacre, at ng marami pang iba. Maraming naging sanhi ng paninira ng kanyang pangalan na ang dating Pangulo mismo ang may kagagawan,” giit ng senador.

Matatandaan na si Pangiinan ang chairman ng Senate committee on justice noong canvassing ng 2004 presidential elections na hinihinalang kakutsaba ng administrasyong Arroyo sa nagaganap na dayaan noon.

Mismong si Pangilinan ang tila humaharang sa reklamo ng oposisyon noon sa mga discrepancies na Certificate of Canvass (COC) sa pamamagitan ng salitang “noted” sa tuwing may maghahain ng hinaing.

Ngayon, nag-iba na ang tahak ng pananalita ni Pangiiinan sa pagsuporta sa kasalukuyang administrasyon na tuparin ang pangakong litisin at panagutin ang pagkakamali ng nakaraang administrasyon na kung sinuman ang sangkot.

“President Aquino ran under a campaign of cleaning up corruption. The Arroyo administration had a long history of corruption cases and scandals, and we cannot just turn a blind eye to all of this. This administration is just doing its job and fulfilling a campaign promise. True justice is about uncovering the truth and holding people accountable for their actions regardless of their positions in office or society,” ayon kay Pangilinan. Ernie Reyes

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply