Kings lalasingin ang Bolts

SARIWA pa ang panalo ng Barangay Ginebra Kings kaya naman paniguradong may init pa sila sa pakikipagbanggaan ng katawan laban sa Meralco Bolts sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum bukas (Disyembre 4).

Galing sa panalo ang crowd favorite Kings kagabi (Disyembre 2) matapos itakas ang 91-89 panalo kontra erstwhile leader Petron Blaze Boosters sa nasabing venue.

May kartang 6-5 win loss record ang Kings at pakay nilang itarak ang ikatlong sunod na panalo bukas sa alas-6:30 ng gabi.

Lumagok ng walo sa 20 puntos ng Ginebra sa final canto si Mark “The Spark” Caguioa upang ilista ang 22 points, 6 rebounds at 4 assists sa 34 minutong paglalaro kagabi.

Pinatagay ng assist ni Caguioa si Willy Wilson sa undergoal upang isalpak ang winning basket may 5.5 segundo na lamang ang nalalabi bago tumunog ang final buzzer.

Nanalo rin ang Bolts kagabi laban sa Powerade Tigers, 100-98.

Hawak ng Meralco ang 8-5 panalo-talo karta kaya naman importante rin sa kanila ang manalo laban sa Kings upang mapalakas ang tsansang makasungkit ng twice-to-beat incentive para sa top two spot.

Sa first game, haharapin ng nagbabalak ding makapuwesto sa top two spot na Rain or Shine Elasto Painters ang wala pang panalong Shopinas.com Clickers.

Bitbit ng Elasto Painters ang 7-5 card habang bokya sa 12 laro ang Clickers.

Samantala, mamayang hapon magbabangayan ang B-Meg Llamados at ang Barako Bull Energy sa Big Dome. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply