Klase sa CDO sa Pebrero sisimulan

APRUBADO na ng Department of Education (DepEd) ang hiling na ilipat ang petsa ng pagbabalik-eskuwela sa lungsod ng Cagayan de Oro at gawing Pebrero na lamang dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Sendong.

Nabatid kay City Mayor Vicente Emano sa isang ulat sa radyo na pumayag na si DepEd Sec. Armin Luistro na ilipat na sa Pebrero ang pagbubukas ng klase sa nabanggit na lungsod.

Una nang inihayag ni Department of Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman na tuloy pa rin sa January 3, 2012 ang pasok ng mga estudyante sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan cities.

Ayon sa kalihim, napagkasunduan umano nila ni Sec. Luistro na maglagay ng mga tents na magsisilbing temporary classrooms ng mga estudyante.

Aminado naman si Emano na sa ngayon ay wala pang formal agreement na nilagdaan si Luistro hinggil sa nasabing direktiba.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply