Kobe Bryant ayaw layasan ang Lakers

NAIS manatili ni National Basketball Association (NBA) superstar Kobe Bryant sa Los Angeles Lakers hanggang sa siya ay magretiro.

Itinanggi ni Bryant na humihiling siya sa Lakers na i-trade siya sa ibang team.

“I don’t know where that come from. I don’t have any feeling about (leaving), whatsoever,” pahayag niya.

Si Bryant ay miyembro ng Lakers simula pa noong 1996 na unang salang pa niya sa liga.

Naipanalo niya ang team sa limang (5) championships at itinanghal siyang Most Valuable Player sa 2008 season.

Nang tanungin kung gusto niyang manatili bilang Lakers, sinabi ni Bryant na, “Of course. No question.”

Aniya, sa Lakers nagsimula ang kanyang career sa NBA kaya dito niya rin ito tatapusin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply