Kobe Bryant hihiwalayan na ng asawa

NAGIMBAL ang mundo ng Hollywood at sports community sa Estados Unidos sa balita na nag-file ng divorce ang misis ni Los Angeles Lakers star Kobe Bryant.

Sa divorce papers na isinampa ni Vanessa Bryant sa Orange County, California, nakasaad na ang “irreconcilable differences” sa pagitan nila ng basketball superstar ang dahilan kaya tinatapos na niya ang sampung taong pagsasama nila.

Humihingi ng spousal support si Vanessa at shared custody para sa kanilang dalawa anak.

Nagulat naman ang mga kaibigan at mga taong nakapaligid sa dalawa ang kanilang paghihiwalay dahil walang napapabalitang nagkakaroon ng problema ang mag-asawa.

Abril 2001 nang magpakasal sina Kobe at Vanessa.

Dumaan rin sa mabigat na pagsubok ang mag-asawa noong 2003 nang masangkot ang basketball superstar sa kasong panggagahasa, na kanila namang nalampasan.

Matatandaan na inamin noon ni Bryant ang nagawang pagkakamali at matapos na i-settle ang kaso ay niregaluhan pa niya ang misis ng 4-carat diamond ring bilang paghingi ng tawad.

Naglabas ng joint statement ang mag-asawa kung saan hinihiling nila ang privacy sa pinagdaraanang pagsubok at para na rin sa kanilang mga anak na maliliit pa lalo na at magpa-Pasko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply