Koko, Migz pasok sa Binay 2013 senatorial ticket

MAGKALABAN man sa pulitika, naniniwala naman si Vice President Jejomar Binay na kapwa mahalagang sangkap sina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III at dating Sen. Juan Miguel Zubiri sa isang tiket na lalahok sa 2013 senatorial elections.

Tinaugiran niyang Unity Coalition ticket, sinabi ni Binay na malaki ang tiyansang makopo ng kanyang tiket sa 2013 ang boto ng Mindanao kapag natuloy na makasali sa kanyang line-up sina Koko at Zubiri.

“Malaking bentahe dahil kapwa sila taga Mindanao,” ayon kay Binay.

Sinabi ni Binay na pumayag na si Pimentel sa ideya na magkaroon ng isang Unity Coalition ticket sa 2013, ngunit mahigpit na tinutulan na makalahok si Zubiri sa line-up.

Matatandaan na naideklarang nagwagi si Zubiri noong 2007 senatorial election kaya naiwan si Pimentel sa ika-13 puwesto. Resulta nito, naghain ng protesta si Pimentel na nauwi sa pagbibitiw ni Zubiri sa Senado noong Agosto matapos akusahan na sangkot sa malawak na dayaan noon.

Maliban kina Pimentel at Zubiri, kinakalap din ni Binay sina Sen. Gregorio Honasan at Sen. Loren Legarda sa tiket ngunit wala pa umanong pormal na pagsang-ayon sa ideya ng bise presidente.

Kinumpirma naman ng dalawang senador ang pakikipag-usap ni Binay sa kanila, ngunit nakatakda pang magkaroon ng mga susunod na pagpupulong upang talakayin ang mga susunod na hakbang.

“We talked about politics, how to unify the Filipino people, but running under his ticket is not final yet,” ayon kay Honasan.

Ayon kay Honasan, kasalukuyan pa niyang pinag-aaralan kung taatkbo sa 2013 ngunit payag siyang ampunin ng partido ni Binay. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply