Kolektor todas sa boga

DEDO ang isang kolektor matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naniningil ng pautang sa Malabon City Huwebes ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Allan Pabalan, nasa hustong gulang at residente ng Sto. Rosario, Pampanga.

Base sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, naniningil ng pautang ang biktima habang nakaangkas sa hindi pa nakikilalang kasama sa Maya-Maya St., Longos ng lungsod nang barilin ng suspek na naging dahilan upang mahulog sa motorsiklo.

Sa takot ng kasama ng biktima ay mabilis na pinaharurot nito ang dalang motorsiklo.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply