Kongreso ang may ‘K’ magproklama kay FPJ

ANG Kongreso lamang umano na tumatayong national board of canvassers ang maaaring maglagay sa official record na si Fernando Poe, Jr. ang nanalong Pangulo ng bansa at hindi si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinaliwanag ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na hindi maaaring iproklama bilang ika-14 na pangulo ng Pilipinas ang namayapang aktor na si Fernando Poe Jr., kahit pa napatunayang siya talaga ang nanalo noong 2004 presidential elections at hindi si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyan diin ni Brillantes na ang Kongreso lamang bilang tumatayong national board of canvassers, ang maaaring magproklama ng nanalong presidente at bise presidente ng bansa.

Nilinaw pa ni Brillantes na para sa history purposes ay maaari pa ring ilagay sa mga official record na si FPJ ang nanalong Pangulo kung mapatutunayan ito sa isang pormal na imbestigasyon.

Nauna nang hiniling ng maybahay ng Hari ng Pelikulang Filipino na si Susan Roces na maiproklama ang kanyang mister bilang Pangulo ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply