Konstruksyon ng mga eskwelahan minamadali

MINAMADALI na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paggawa ng mga silid-aralan sa Cagayan de Oro City, Iligan at Dumaguete City para sa pagbabalik eskwela ngayong Enero 2012.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, na katuwang nila ang Rotary Club International sa pagpapagawa ng mga eskwelahan, maging ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa ngayon, ang pangunahing tinututukan ng NDRRMC ay ang pagtatayo ng mga paaralan upang maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag-aaral matapos ang naranasang kalamidad sa mga nabanggit na lugar.

Sisikapin din nilang mabawasan na ang mga pamilyang nagsisiksikan sa mga evacuation center sa pamamagitan ng mga tent na pansamantalang titirahan ng mga biktima ng kalamidad.

Dadalhin din ang mga ito sa relocation site na ligtas sa landslide na pansamantala nilang tutuluyan at hindi na rin sila papayagan na bumalik pa sa dati nilang tirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply