Kontaminadong gatas mula-Japan ipinababawi

MAKARAANG matuklasan na kontaminado ng radiation ang libo-libong lata ng infant formula, ipinababawi na sa bansang Japan ang kanilang produkto na naikalat na sa mga supermarket sa bansa.

Unang lumabas sa pagsusuri na kontaminado ang infant formula mula sa nasirang plantang nukleyar sanhi ng naganap na malakas na paglindol na sinundan ng tsunami sa Japan.

Umaabot sa mahigit 400,000 lata ng infant formula na produkto ng Meiji Company sa Japan ang nabawi na sa mga pamilihan bagama’t inamin ng pamunuan ng kompanya na hindi nila alam kung ilang lata na ng gatas ang nabili ng consumers sa mga pamilihan.

Napag-alaman na ang naturang mga produkto ay ginawa noong buwan pa ng Marso at Abril bago inilabas sa merkado ng buwan ng Hulyo na may nakalagay na expiration date na Oktubre, taong 2012.

Bagama’t aminado ang pamunuan ng malaking kompanya na marami nang consumers sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakabili na ng naturang produktong gatas-pambata, tiniyak ng pamunuan ng kompanya na napakababa lamang ng lebel ng radioactive caesium na natuklasan sa gatas at wala naman itong epekto sa kalusugan ng mga sanggol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply