Kontrabandong dog food nasabat sa Maynila

NASABAT ng mga tauhan ng Manila South Harbor Veterinary Quarantine Service (VQS) ang sandamukal na bag ng dog food sa shipment na ibinaba kamakailan lamang sa Port of Manila na nagmula sa China, kasama ang ibang non-agricultural products.

Habang bineberipika, nadiskubre ng team na walang Veterinary Quarantine Clearance galing sa Bureau of Animal Industry ang mga dog foods at hindi rin rehistrado sa BAI-Animal Feed Standard Division.

Isinurender na ang 24 na bag (480 kgs.) mula sa 60 nakumpiskang mga bag kay Officer-in-Charge Dr. Enrico Miguel L. Capulong, at ngayon ay nasa Property Division na ng BAI para sa maayos na disposisyon.

Sinabi ni BAI Director Efren C. Nuestro, na ang mga nasabing item ay pawang ideneklarang pansariling gamit, at ang importer nito ay hindi sumunod sa mga ipinaiiral na alituntunin at kautusan kaugnay sa tamang proseso ng pagrehistro at accreditation at masiguro na pawang de kalidad lamang na produkto ang makapasok sa lokal na pamilihan.

Samantala, nakumpiska naman ng team nina Dr. Ferdinand Montano, Veterinary Quarantine Officer sa Diosdado Macapagal International Airport sa Clarkfield, Pampanga, ang mga karne ng pato na tumitimbang ng 15 kilo na galing sa South Korea.

Ang South Korea ay nabatid na hindi umano Avian Flu-free na bansa alinsunod sa Memo No. 2 of January 05, 2010 re. Avian Influenza, na ipinalabas ng Department of Agriculture.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply