Korte ang bahala kung saan ikukulong si Palparan

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa korte kung saan dapat ikulong si retired M/Gen. Jovito Palparan sakaling sumuko upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ayon kay  Presidential Spokesman Edwin Lacierda, bahala na ang piskalya kung haharangin sakaling aakuin din ng Army ang pagkulong kay Palparan.

“You know, I got a text from my classmate, si Atty. Edre Olalia, who’s representing the students also on that point. We don’t know yet what the…whether he will surrender. He has initially sent surrender feelers. That is something we will leave with the prosecution to do. I don’t know yet. We are not aware of if he’s going to be transferred, what are the conditions. He sent surrender feelers. Presumably those surrender feelers might carry with them some conditions and we don’t know what (those) surrender feelers are. But when it comes, I’m sure that our… We will make sure that the, number one, that his safety will have to be secured. We want him to be prosecuted. We want him to stand…we want him to face prosecution,” anito

Sinabi pa ni Sec. Lacierda, na sa ngayon ay importante sa kanila ang matiyak ang seguridad ni Palparan sa pagsuko at sa pagharap sa kaso.

Matatandaang kinondena ng mga abogado ng mga biktima ang pag-custody ng Philippine Army sa co-accused ni Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado at S/Sgt. Edgardo Osorio.

Nauna nang hiniling nina Col. Anotado at S/Sgt. Osorio na mailipat sila sa kustodiya ng Philippine Army dahil sa isyu ng seguridad kapag isinama sila sa kulungan ng Bulacan kung saan nakakulong ang ilang kriminal at mga miyembro ng CPP-NPA.

At sa aspeto naman kung bakit kailangan pang magkaroon ng pabuya para lang masilo si Palparan ay sinabi ni Sec. Lacierda na naniniguro lang sila na talagang mahuhuli nila ang puganteng si Palparan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply