Korte sa Maguindanao massacre victims: ‘Patunayan n’yong indigent kayo’

INIUTOS kaninang umaga ng Quezon City court sa 11 kamag-anak ng biktima ng Maguindanao massacre na magpakita ng ebidensya para patunayang sila ay mga ‘indigent’ na hindi dapat magbayad ng anomang bayarin o fees.

Dahil dito, binigyan lamang ni Judge Catherine Manodon ng Regional Trial Court Branch

104 ng 15 araw ang plaintiffs, na malapit na kamag-anak ng media workers na kasamang napatay noong Nob. 23, 2009, para makapagsumite ng dokumentong magpapatunay para makuha ang kanilang indigency claim.

Ito ay matapos humiling si lawyer Romel Bagares ng palugit sa pagsasampa ng affidavits of indigency dahil apat lamang na private complainant ang nagsusumite sa korte.

Kabilang sa mga nakapagsamapa ng affidavits ay sina Editha Tiamzon, Cipriana Gatchalian, Julieta Evardo at Catherine Nunez, na ang kamag-anak ay kabilang sa 32 media worker na napatay.

Ang mga nabanggit na mga pangalan kasama ang ilan pang plaintiffs, ay nagsampa ng P15

million damage suit laban sa dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang

partisipasyon sa masaker, pinaniniwalaang ikinasa ng Ampatuans, na kanyang kakampi o political allies.

Nagkataon naman na ang pagdinig ngayong araw ay kasabay ng paglipat

ni Mrs. Arroyo mula sa St. Luke’s Medical Center sa Veterans Memorial Medical Center, ang kanyang magiging pansamantalang detention facility.

Nahaharap ang Pampanga solon sa kasong electoral sabotage kasama si Ampatuan

clan patriarch Andal Sr., na isa sa nadidiin sa Maguindanao massacre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply