Kotong sa inter-agency (2) council and anti-trafficking

HINDI isyu rito kung magkano ang halagang nakokolekta nitong si PO1 William Cajayon sa mga establishment at kung kanino mapupunta ang pera kundi ang ligalidad nito at kung ano ang totoo.

Marami ang nagsasabing posibleng ginagamit lang ng grupo ni Cajayon ang Inter-Agency Council and Anti-Trafficking para makapangolekta sa mga KTV bar at sauna and massage parlor dahil sa ang  agency umanong ito ang  naging dahilan para tuluyang maipasara ang dalawang untouchable na KTV sa Metro Manila.

At dahil nangangamba ang mga may-ari ng establishment na magaya sila roon sa dalawang ipinasarang KTV bar obligado silang  ma-kipag-usap at makipagkasundo rito kay Cajayon.

Alam kaya ng mga namumuno ng mga ahensyang nabanggit na may grupong umiikot para sa kanila at ang nasabing grupo ay nangongolekta ng pera para din sa kanila?

Walang naniniwala na gagawin ito ng mga namumuno ng mga nabanggit na ahensiya katulad nina Vice Pres. Jejomar Binay ng Office of the VP; Justice Sec. Leila de Lima ng DOJ at ng iba pang ahensiya, lalo na ang International Justice Mission.

Marami ang nagsasabing hindi kayang gawin nina VP Binay  at  DOJ Sec. De Lima at ng iba pang mga  namumuno ng mga ahensiyang nabanggit ang manghingi ng pera mula sa mga KTV bar at sauna and massage parlor.

Ngunit ang nakapagtataka  lang ay kung bakit hindi hinuhuli ng NBI itong si Cajayon gayung lantaran itong umiikot sa Metro Manila gabi-gabi at nagpapakilalang siya ang over-all collector ng IACAT.

NBI Director, Ret. Gen. Atty. Magtanggol Gatdula, Sir, alam kong hindi kayo papayag sa mga kalokohan ni Cajayon at alam ko ring sa mga ganitong  kaso kayo eksperto, pakisampolan niyo nga po ito.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lamang sa 0915-5683000  o kaya ay mag-email sa  lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply