Kotongerong opisyal ng SBMA namasko sa locators

KAILAN naman daw kaya maglalagay si Pangulong Aquino ng administrador ng SBMA na handang magsakripisyo at sumunod sa naisin niyang tuwid na landas?

‘Yan ang tanong ng isang kinatawan ng locator sa freeport na naging biktima ng pang-aabuso ng nabanggit kong “kotongerong” opisyal ng SBMA.

Sabi niya, puwedeng matigil ang katarantaduhan ng opisyal na ito kung maglalagay si Pangulong Aquino ng isang tapat na administrador na puwedeng maging “bastonero” sa loob ng nasasakupan ng SBMA.

Paniwala rin ng source na maaaring ang kawalan ng administrador sa pamunuan ng SBMA ang dahilan kung bakit tila hindi makontrol ang mga katiwaliang nagaganap sa loob ng freeport.

Partikular sa mga katiwaliang ito ay ang smuggling sa Subic na hindi lingid sa kaalaman ni Customs intelligence chief Danny Lim.

Marami raw kasing locators sa Subic freeport ang sangkot sa iba’t ibang kaso ng smuggling, bagay na nagbigay ng lakas ng apog sa naturang SBMA official na mangotong lalo pa’t panahon ng Pasko.

Ngayon ay may sarili na raw “collection network” ang naturang opisyal at may mga taong inilagay para bantayan ang kanyang koleksyon, paliwanag sa akin ng source.

Ilan sa mga locator na sumusuporta sa kalokohan ng opisyal na ito ay ang mga kompanya na pag-aari ng angkan ng isang dating mambabatas at isang dating opisyal din ng economic zone.

Habang ang dalawang iba pang mga kompanya ay pag-aari naman ng mga kilalang-kilalang pulitiko sa lalawigan ng Zambales.

*****

Anomang reklamo. komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999433-3437; 09278473781 at 0922-4346131 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@ya-hoo.com at malugod ko kayong paglilingkuran! Rematista

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply