Kotse sumalpok sa punong-kahoy: 2 patay, 2 sugatan

PATAY ang dalawang binata habang dalawa ang sugatan makaraang maaksidente ang isang kotse kagabi sa kahabaan ng Naguillan-Baguio road sa Barangay Ortiz, bayan ng Naguillan, La Union.

Nakilala ang mga nasawi na sina Raul Jastin Banayat, 19, at Ryan Casino, 25, kapwa residente ng Barangay Lioac Norte sa nasabing bayan na pawang mga lasing umano ang mga ito nang maganap ang insidente.

Sinasabing matulin ang pagpapatakbo ng kotse kaya nawalan ng kontrol ang driver nito hanggang sa bumangga sa isang punong-kahoy na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang binata.

Samantala, masuwerte namang nakaligtas ang dalawa pang sakay ng naturang sasakyan dahil nagtamo lamang ang mga ito ng minor injuries at nakauwi na sa kanilang bahay matapos suriin ng doktor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply