Kris Aquino matinong nanay pero walang kuwentang asawa?

BILIB daw si Joyce Bernal sa pagiging hands on mom ni Kris Aquino.

“Sabi niya, ‘ang tiyaga mo. Ako, napapagod na mag-converse sa anak ko.’ Kasi nga, never-ending ang tanong nu’ng mga anak ko. Sabi niya, ‘Ikaw, walang kapaguran at lahat sinasagot mo. Tapos umaarte ka pa.’

“Sabi niya, ‘Kitang-kita na mabait kang nanay talaga. Siguro ’yung sa asawa, nag-suffer, ‘no?’ Sabi ko kay Direk Joyce, ‘Siguro nga,’” kuwento ni Kris sa usapan nila ni Direk Joyce.

Aminado si Kris na siguro nga, she knows how to be a mom pero hindi siya marunong maging asawa. Kaya raw siguro hindi nag-succeed ang marriage nila ng asawang si James Yap.

“Sinabi ko, ‘I saw my mom, eh. I saw what a mom was. But I had so few years to see what a wife was,” sabi ni Kris.

Public knowledge ang history ng Aquino family na maagang kinuha sa kanila ang tatay ni Kris na si former Sen. Ninoy Aquino at kahit noong nabubuhay ay sandali lang din nila nakasama dahil nakulong ito ng mahabang panahon. And that time ay bata pa si Tetay.

“So, siguro yun, e. That’s why yung formation sa akin is that, eto, I know how to be a mom, but I guess I don’t know how to be a partner. Pero siguro, okey na rin yun, kasi my sons naman adore me,” say pa ng aktres/TV host.

000

Senator Bong Revilla pinalakpakan sa Panday 2

ILANG beses pinalakpakan ng press at ng ibang nanood sa press screening ang Panday 2 at lahat ay nagandahan at nag-enjoy sa entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Kita sa movie kung saan napunta ang P80 million na budget at kitang hindi tinipid ang budget nito.

Ipinagmalaki ni Sen. Bong Revilla na maliban sa 7.1 Dolby sound na ginawa sa Bangkok, lahat ng may aspetong teknikal ay dito na sa atin ginawa. Ang ganda ng animation, sound at kabuuan ng movie.

May part 3 ang Panday base sa mga huling eksena sa Panday 2, pero sa 2013 pa para mapaghandaan nang husto.

Si Lorna Tolentino, bilang si Buruka, ang makakalaban ni Bong, pero sabi ni Phillip Salvador, kasama pa rin ang karakter niyang si Lizardo.

Inaangkin ni Philip na si Lizardo ang nakabuntis kay Mariang Makiling (Iza Calzado) na kahit patay na ay lumaki pa rin ang tiyan, bagay na kinontra ni Bong.

Malalaman na lang kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Maria sa ugali ng bata paglaki.

Tama ang sabi ni Bong na hindi lang pambata ang Panday 2, pang-all ages.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply