Kris Bernal split na agad kay Jay Perillo!

INAMIN na ni Kris Bernal na wala na sila ni Jay Perillo, ang singer/actor na nakilala sa Comedy Bar bilang lead vocalist ng Six Feet Long Band.

Tumagal din ng isang taon at kalahi ang kanilang relasyon.

Nang nakausap namin si Kris sa presscon ng “Ang Panday,” nasabi nitong silang dalawa mismo ang nag-decide na putulin na ang kanilang relasyon.

Ani Kris: “Gusto ko pang mag-grow ang career ko. Basta gusto ko talaga mag-concentrate sa trabaho tutal bata pa naman ako at siya rin.

“Talagang wala na kaming comminication sa ngayon sa isa’tisa. So far, almost one week kaming wala na.”

Tapos na raw ang pag-iyak ni Kris sa split up pero aminado siya dinamdam din niya ito. Dapat pala’y sa Ang Panday ay sila ni Aljur Abrenica ang mag-partner pero nag-back out ito para sa ibang project.

Inaabangan naman ng fans nina Kris at Aljur ang kanilang pagbabalikan.

Matupad kaya ito kahit sa tambalan man lang sa kanilang soap opera?

000

Iza Calzado di na insecure kay Marian

WALANG kaplastikan na sinabi ni Iza Calzado na wala siyang inggit man lang kay Marian Rivera bilang bagong ka love team ni Sen. Bong Revilla sa Ang Panday.

Para kay Iza, ang pagtanggap niya sa movie ay kinukonsider niya bilang trabaho. Basta ibinigay sa kanya ang script at nagustuhan nya ang role kaya tinanggap niya ito.

Ani Iza: “Noon ko pa alam bago simulan ang movie na si Marian ang partner ni Bong. Iba naman ang role ko kay Marian, ako puede sa next episode ay kasama pa rin ako!

“Pagdating sa acting, wala akong pinipiling role. Basta okay sa akin ang script. Saka, gusto ko samahan sa set nina Bong, Phillip Salvador at iba pa.”

000

MATURE macho men na ang tatlong members ng Masculados 2 kaya tatlo sa kanila ang umamin sa amin na sila’y mga binatang ama. Kabilang dito sina Enrico Mofar, Robin Robel at Lexter Lazaro. Hindi naman kataka-taka na magkaanak na sila dahil above 30s na sila.

Sabi ni Enrico, 12 years old na ang anak niyang si Eona. Matagal nang tapos ang relasyon nila ng ina ng bata na isang professional hairstylist na nagtatrabaho sa abroad. Sinusuportahan niya si Eona at lagi siyang may oras para rito.

Si Robin naman ay may tatlong anak na sa dalawang babae na naging karelasyon niya. Panganay niya ay 6 years old, samantalang ang sumunod ay lima at tatlo sa isang kasalukuyan niyang karelasyon. Kaya lang, wala ang GF niya sa bansa dahil nagtatrabaho ito sa barko. Bale si Robin ang nag-aasikaso sa mga bata ngayon.

Maaaring next year ay magpakasal na si Robin sa ina ng kanyang dalawang anak.

Si Lexter naman ay masaya sa pagiging single father niya. Pitong taon na si Luis Inigo na nag-aaral ngayon sa isang Catholic school sa Laguna.

Si Lexter kapag walang gig ang Masculados ay nagtatrabaho bilang bartender sa isang five star hotel sa Manila. Flexible ang kanyang schedule kaya nakapupunta siya sa mga commitments ng Masculados 2.

Ang ibang members ng Masculados na nasa early twenties lang ay pawang single at wala pang anak sa ngayon.

Naging performers sila last Dec. 2 sa pagbubukas ng Christmas light ng City Hall ng Valenzuela city.

Mapanonood din ang Masculados 2 sa Kumare Klub ng TV5 sa Dec. 9 bilang performers. Lalabas rin sila sa GMA-7 pagkatapos ng Saksi sa isang interview sa grupo.

000

TULUYAN nang nilisan ng magdowang Ellen Adarna at Filo Cucueco ang isla sa Palawan kung saan idinadaos ang Survivor Philippines 2011.

Diumano, unang umayaw ang dyowa ni Ellen na Filo. Actually, sinamahan lang talaga nito si Ellen sa reality show. Gusto kasi nilang maranasang dalawa ang hirap sa isla. Pero sadyang di nakayanan ni Filo ang mga challenges at hirap sa island at mabuhay na kulang sa amenities sa buhay.

Anak mayaman at businessman si Filo, kaya hindi malaking kawalan sa kanya ang P3 million kung umalis siya nang maaga sa island.

Mas gusto rin niya marahil ang peace of mind dahil sobra raw ang intrigahan sa show.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply