Kudeta vs liderato sa Senado pinabulaanan

MISMONG ang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III na si Senador Franklin Drilon ang nagpahayag  na walang katotohanan ang nasabing alingasngas na patatalsikin sa poder si Senate President Juan Ponce Enrile dahil lamang sa pagtutol nito sa Reproductive Health bill.

Umugong ang ulat sa Senado na may namumuong kudeta laban sa liderato ni Enrile mula sa kaalyadong senador ni Pangulong Aquino dahil lamang umano sa pagtutol nito sa kontrobersiyal na RH bill.

Ayon sa nakalap na impormasyon, papalitan si Enrile bago magbakasyon ang Senado nitong Disyembre.

Sinuportahan naman ni Senadora Loren Legarda ang pahayag ni Drilon dahil maganda naman umano ang patakbo ni Enrile sa Senado at katunayan ay mabilis na naaaprubahan ang mga panukala tulad ng national budget na nakatakda ng lagdaan ni Pangulong Aquino.

Nauna nang ideneklara ni Enrile na kung may maipapakitang 13 lagda sa isang resolusyon na nagpapatalsik sa kanya bilang pinuno ng Senado ay maluwag niyang lilisanin ang puwesto at ibibigay sa sinumang mapipisil ng mayorya. Vicky Cervales

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply