Kulong sa price manipulators sa mga lugar na binayo ni ‘Sendong’

IGINIIT ng isang senador ang pagpataw ng mabigat na parusa laban sa mga taong nagsasamantala sa mga apektadong lugar, tulad ng mga siyudad at lalawigan na binaha ng bagyong ‘Sendong’ nitong nagdaang araw.

Nais ni Sen. Manny Villar, chairman ng Senate committee on trade and commerce, na ipakulong sa loob ng isang taon at pagmultahin ng P10,000 ang sinuman na nagbebenta ng produkto o serbisyo sa nakalululang presyo.

Ipinaliwanag ni Villar na sa loob ng 180 araw mula nang ideklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang major disaster, ay hindi maaaring magbenta ng produkto at serbisyo sa napakataas na presyo ang mga supplier.

Kabilang sa produkto at serbisyong pinarerendahan ni Villar ay ang presyo ng pagkain, tubig, yelo, kemikal, building supply, tools, produktong petrolyo, pagpapagawa at pagpapakumpuni ng bahay, pagpapalinis ng debris at basura, at iba pa, kabilang na ang funeral services sa mga namatayan.

Dahil dito, itinutulak ng senador ang pagpapatibay ng Senate Bill No. 1306 o ang “Protection from Price Gouging Against Disaster Victims Act.”

“In order to prevent such unscrupulous party from taking unfair advantage of consumers during abnormal disruptions of the market, a law must be enacted penalizing such acts and imposing penalties therefore.

Sa paghagupit ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City, Iligan at iba pang bahagi ng Mindanao at Visayas, umaabot na sa halos 1,000 ang bilang ng patay at 300 ang nawawala, batay sa ulat ng NDRMMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply