Kuwestiyunableng rice shortage paiimbestigahan

PAIIMBESTIGAHAN ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo sa Kamara ang patuloy na kakulangan sa suplay ng bigas na siyang nagtutulak upang magpatuloy ang importasyon.

Isinulong ni Castelo ang House Resolution 1396 upang makapag-imbestiga ang House Committee on Food Security sa mga ulat na nagpapatuloy diumano ang sabwatan ng mga tiwaling magbibigas sa National Food Authority Inter-Agency Council.

Aniya, kapag iniulat na may malaking kakulangan sa suplay ng bigas sa bansa ay magkakaroon ng mga transaksyon ukol sa importasyon at magkakaroon ng malaking maibubulsa ang mga tiwaling negosyante.

Nais ni Castelo na ipatawag ang mga opisyal ng NFA Inter-Agency Council upang magpaliwanag ukol dito.

“The house body should conduct a deeper investigation on the reported massive and systematic corruption at the National Food Authority (NFA) in the importation of the country’s rice supply making the staple food of every Filipino more costly,” ani Castelo.

Pinaalalahanan ni Castelo ang NFA sa pangunahing gampanin nito na matiyak ang mura ngunit mataas na uri ng bigas sa mga mahihirap sa pamamagitan ng “a sound system of stocking, inventory, and mitigation of wastage for its ideal or prescribed buffer stock of rice.”

Dapat din aniyang panagutan ng NFA ang mga maling pagtaya ukol sa suplay ng bigas na karaniwang ginagawa tuwing magsisimula ang taon.

Gampanin din ng NFA na matiyak na walang anomalyang nagaganap na dayaan sa alinmang transaksyon ukol sa suplay ng bigas.

“It is unimaginable to know that an undetermined number of bags or rice in NFA warehouses rot, that there is utter lack of transparency, and that NFA has transformed into a trade facilitator and importer tothe extent that it incurs huge costs for government while traders and financial institutions benefit in the process,” ayon kay Castelo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply