La Mesa Dam nasa critical level na

DAHIL sa patuloy na pagbuhos ng ulan nitong nakalipas na mga araw, itinaas na sa red alert status ang La Mesa Dam sa Quezon City habang pinaalalahanan na rin ang mga residente sa paligid nito na maging mapagmasid dahil umabot na sa critical level ang tubig na nakaimbak dito.

Ayon kay Executice Director Benito Ramos ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sakaling umapaw ang tubig ay delikado na ang lagay ng mga residenteng malapit sa dam at ito ay posibleng umabot hanggang sa Tullahan.

Sa ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sinabi nitong dakong alas-6:00 kaninang umaga ay umabot ang level ng tubig sa La Mesa Dam sa 79.72 meters na malapit na sa spilling level nito na 80.15 meters.

Nabatid na ang La Mesa Dam ay walang gates o sarahan kaya aapaw na lamang ito nang kusa kapag umabot na sa kritikal na level.
Sinabi pa ng PAGASA na nagbukas na ng gates ang ilan sa mga dam sa Luzon at nagpalabas na ng labis na tubig na kinabibilangan ng Angat Dam, Ipo Dam, Binga Dam at Magat Dam. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply