Lab sa Mandaluyong Medical Center nasunog

NATUPOK ng apoy ang katabing laboratoryo ng Mandaluyong Medical Center, pasado ala-1:30 ng madaling-araw, Disyembre 28.

Nabatid na nagkakahalaga nang P400,000 ang mga nasunog na ari-arian matapos tupukin ang Jan-Bir Laboratory na tumagal nang halos isang oras, bago naapula ang apoy.

Dahil dito, mahigit sa 100 pasyente ng Mandaluyong Medical Center ang inilikas sa ground floor upang hindi makalanghap ng usok na mula sa nasunog na laboratoryo.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang naging sanhi ng sunog.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply