Labi ni Tandang Sora ililipat sa Banlat Road

MATAPOS ang 42 taon, ang labi ng tinaguriang “Grand Old Lady of the Katipunan” na si Melchora Aquino, o mas kilala bilang Tandang Sora, ay iuuwi na sa lugar kung saan siya ipinanganak.

Ito ang inanunsyo kaninang umaga (Disyembre 26) ni Mayor Herbert Bautista, na sa bisperas ng selebrasyon ng bicentennial year sa Enero 6, 2012, ang labi ni Tandang Sora ay opisyal na ililipat sa Tandang Sora Shrine sa Banlat Road. Sinabi ni Bautista na pumayag na ang Himlayang Pilipino sa kahilingan ng Quezon City government at pamilya ni Tandang Sora na mahukay ang labi ng naturang bayani para ilibing naman sa kanyang lugar ng kapanganakan.

Kapag nahukay na, ang labi ni Tandang Sora ay ilalagak sa isang flag-draped casket na dadalhin ng isang horse-drawn carriage sa ikakasang funeral procession mula sa Himlayang Pilipino patungong Quezon City Hall.

Ang kabaong ni Tandang Sora ay sasabayan ng mga military at police personnel sa isasagawang funeral procession.

Pagdating naman sa QC Hall, magkakaroon ng funeral ceremony para magkaroon ng pagkakataon ang publiko na magbigay ng kanilang pinal na respeto kay Tandang Sora, na kinilala sa kanyang exceptional heroic contributions para makamit ang Philippine Independence at Liberation sa kabila ng kanyag katandaan.

Kasama ng mga kamag-anak ni Tandang Sora, partikular ang opisyal at miyembro ng mga apo ni Melchora Aquino Association Inc. ang ilan sa mga city hall official sa pagsalubong sa labi nito.

Idineklara ang 2012 na Tandang Sora Year ng QC government sa pamamagitan ng Ordinance No. SP-2092, S-2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply