Lalaki pinagbabaril malapit sa mall patay

PATAY ang 29-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong lalaki sakay ng isang motorsiklo sa tabi ng Robinsons mall sa Fairview, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Carl de Guzman, namatay habang ginagamot sa Commonwealth Medical Hospital sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 5 Lagro, naganap ang insidente 11:45 ng umaga sa tabi ng Robinsons mall sa Regalado Avenue, Fairview, QC.

Sinabi sa ulat na nakatayo sa naturang lugar ang biktima at naghihintay ng masasakyan nang biglang dumating ang tatlong suspek sakay ng isang motorsiklo at bumunot ang isa sa mga suspek ng baril saka pinagbabaril ang una.

Agad isinugod ang biktima sa naturang ospital subalit namatay ito habang ginagamot sa naturang pagamutan.

Tumakas naman ang mga suspek patungong Novaliches Bayan matapos ang insidente at kasalukuyan pinaghahanap ng mga awtoridad.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply