Laos na ba si Piolo?

NAGKAROON halos lahat ng opinyon tungkol sa break up nina Piolo Pascual at KC Concepcion at umangat pa yata nang todo ang rating ng show na iyon kung saan nakita ng mundo na nagtapon ng malalaking luha ang unica hija ni Sharon Cuneta dahil nga sa hindi siya tinrato bilang isang “dalaga” ng kanyang nobyo.

Nakuha ng mga luha ni KC ang simpatya ng mga manonood kaya may nagpasya na siguro nga ay katapusan na ng career ni Piolo Pascual.

Kaya marami ang nagtaka din, bakit pinayagan ng ABS-CBN na ganunin ni KC si Piolo sa mismong istasyon kung saan itinuturing na isang malaki at mahalagang artista ang binata?

Kung nasira man ng iyak ng dating girlfriend ng binata ang kanyang career, sino ang nawalan? Hindi lang si Piolo Pascual.

Mawawalan din ng malaki ang network na nagmamay-ari sa talento ni Piolo. Mawawalan din ang ABS-CBN kung mapabagsak man ng insidente si Piolo Pascual.

May mga haka-haka. Palaos na raw kasi si Piolo kaya kailangan siyang mainit na pag-usapan ulit. O may balak nang layasan daw ni Piolo Pascual ang 2 para lumipat sa bakuran ni Manny Pangilinan sa 5.

Magugulumihanan ka talaga sa mundo ng show business. Noong sikat si Piolo, iningatan ang kanyang reputasyon. Kung totoong laos na siya, sisirain pa ba ng todo para mapagkakitaan pa rin o sisirain na ng tuluyan para hindi na mapakinabangan ng iba?

Kung hindi pinayagan ng ABS-CBN ang interview, hindi mangyayari ang pag-iyak ni KC Concepcion sa harap ng kamera.

Hindi nga ba may ganito nang insidente dati? Isang bagong talent din ng ABS-CBN na nasangkot sa isang sex video scandal pero nagawang ayusin ng network.

Paano nila ginawa na mapanatiling protektado ang nasabing talent? Simple. Itinago sa media. Walang interview, walang exposure hanggang makalimot ang tao.

Ngayong namatay na ang isyu ng sex video scandal ay saka lang muling bini-build up ang nasabing talent. Kaya sikat ulit kahit pa muntik na ring mamatay ang kanyang career dahil sa iskandalo.

In short, it’s a business strategy. At ang mga artista ay mga produkto na ibinebenta. Palagay nyo?

oOo

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 sa akin o mag-email sa ariel.inton@gmail.com. Mahalaga na malaman ko ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply