Laptop, CP kay GMA sa kulungan ipipilit sa korte

SINURI na ng kampo ni dating Pangulong Arroyo ang Veteran’s Memorial Medical Center.

Kabilang sa mga bumisita sa posibleng pagkulungan kay dating Pangulong Arroyo ay ang kanyang tagapagsalita na si Elena Bautista Horn at ang anak ni GMA na si Datu.

Ayon kay Horn, natutuwa naman sila kahit papaano sa posibleng paglipat ni Arroyo sa Veterans dahil sa pinaghahandaan naman ng pamunuan ng VMMC ang pagdating ng dating pangulo.

Sinabi din ni Horn na plano nilang humingi ng consideration sa korte hinggil sa mga pwede at hindi pwedeng ipasok na gamit sa loob ng kwarto ng pangulo.

Umaasa si Horn na maunawaan ng korte ang pangangailangan ni GMA na gumawa ng ulat o libro kaya dapat payagan na magkaroon ito ng laptop.

Sa kaugnay na balita, pinasaringan naman ni Horn si dating Justice Sec. Leila de Lima matapos matanong sa kredibilidad ng kanilang source hinggil sa Operation Put The Little Girl To Sleep.

Aniya, kinausap na nila ang mga pulis at handa naman silang tulungan ng mga ito.

Matatandaang binalewala ng administrasyon ang sumbong ng kampo ni dating Pangulong Arroyo na banta sa buhay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply