Lasengga ang nangangarap maging ambassador na TV personality!

BLIND ITEM: Apat na taon ding nanilbihang makeup artist si “Pauleen” (not “her” real name) sa isang female TV host, pero dahil hindi na niya masikmura ang ugali ng amo’y nilayasan na niya ang poder nito.

Maraming masasayang kuwento ang ibinahagi sa amin ni Pauleen nang minsang magkainuman kami. Isa na rito ang pagiging reluctant pala ng hitad na tanggapin ang kanyang hosting job. “Ang gusto kasi niya, maging ambassador!”

Du’n na napagtanto ni Pauleen ang kawalan ng gana ng TV host sa tuwing sasapit ang isang weekend para magtrabaho.“’Day, papasok ‘yan lasing, as in lasing talaga! Vodka ang tinitira niya na isinasalin niya sa bote ng mineral water para kunwari nga naman, eh, tubig lang ang baon niya,” kuwento ni Pauleen.

“One time, nahalata siya nu’ng co-host din niyang babae. Papasok na ako sa dressing room, papalabas naman ‘yung co-host ng amo ko.

Hinatak niya ako sa bandang gilid, tinanong ako kung lasing daw ba ang amo ko? Kaya nu’ng pumasok na ‘ko sa dressing room, sinabi ko agad sa amo ko na amoy-alak siya. Siyempre, nag-panic siya, ‘Pauleen, ang pabango… Pauleen, ang mouthwash!’ Kahit wala na ‘ko sa kanya, hanggang ngayon, eh, ‘yun pa rin ang gawain niya, huwag lang sanang makarating ‘yon sa management, tiyak na mawawalan siya ng trabaho!” sey ni Pauleen.

Da who ang lasenggang TV host? Naku naman, huwag nang kukupad-kupad, “DALIAN” n’yo sa paghula!

XXXX

HULI MAN daw ay makakahabol pa rin.

Philip Salvador arrived at the GMA studio just a few minutes after isinalang sa Itapat Sa Apat segment ng Startalk TX si Senator Bong Revilla to promote Panday 2. A supposedly call-in guest, hinanapan na lang si Kuya Ipe ng separate segment for a snappy plug since he plays the antihero in the said fantasy-adventure movie.

Rubbing elbows with the program hosts prior to his on-cam interview, kinumpirma namin kay Kuya Ipe kung totoong come 2013 ay sasabak siya sa vice mayoral race, and where, sa aming siyudad pala sa Pasay. A city resident for more than three-fourths of my life, minsan ay wala kaming natatandaan ni katiting na koneksiyon ng multi-awarded actor sa Pasay City.

But local politics is like a big orphanage. Inaampon kasi nito ang mga political wannabes kesehodang these wandering vagabonds come from here nor there.

Pero ayon mismo kay Ipe, he owns a condo unit somewhere in Pasay City, this explains that he has— as a basic requirement under the Election Code— established his legitimate residency. Ergo, kuwalipikado siyang tumakbo sa naturang elective post.

For the record, sa nakaraang local elections sa Pasay City, ngayon na lang muling magkakaroon ng kinatawan mula sa showbiz. Former Viva TV matinee idol Red Sternberg ran for a seat in the city council noong 2004, but his good and refreshing looks did not help him realize his political dream.

Now, it’s Kuya Ipe’s turn. Maugong ang balita na ang nasa likod ng kandidatura ng aktor ay ang angkan ng mga Del Rosario. This is the same powerful clan that ensured the victory of the incumbent city mayor Tony Calixto (pero nagkawatak-watak na umano ang kanilang partnership for some reason).

Of course, may konek ang mga Del Rosario kay Kuya Ipe. His late sister (Tita) Mina Aragon (to whom I shall always be indebted) was married to Viva Group of Companies big cheese Vic del Rosario, na may konek din kay Sharon Cuneta whose father Pablo Cuneta had served as the city mayor for several decades.

So, what is all this telling us? Si Kuya Ipe na nga ba ang susunod na bise alkalde ng aming lungsod?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply