Legal adviser sa mediamen sa impeachment trial kay Corona

UMAPELA si Senadora Miriam Defensor SAntiago sa mga mamamahayag o media network na kumuha ng legal advisers sa pagko-cover sa impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona na magsisimula sa Enero 16, 2012.

Nangangamba si Santiago, Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws na akalain ng mga mamamahayag na lahat ng kanilang gagawin sa paglilitis ay may anggulong pulitika.

Ipinaalala ni Santiago na bagaman political process ang impeachment trial ay nakapaloob dito ang mga legal technicality na hindi nila maaring isantabi partikular ang Rules of Court.

Hiniling din ni Santiago sa media na maging objective sa pagko-cover sa impeachment trial  at iwasan ang pagbibigay ng mga emosyonal na komentaryo upang hindi magatungan ang mainit nang isyu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply