Leyte province sinalanta din ng flashflood, landslide

DAHIL sa patuloy na buhos ng ulan, hindi nakaligtas sa flashflood at landslide ang probinsiya ng Leyte.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, dahil sa mga pag-ulan dulot ng sama ng panahon nagkaroon ng landslide at lubog na rin sa tubig-baha ang St. Bernard, Southern Leyte.

Wala namang naitalang casualty ngunit dahil sa landslide ay isang parte na lamang ng national road ang nadaraanan.

Samantala, nagsimula nang magsibalikan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Surigado del Sur at Norte gayundin sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.

Sinabi ni Ramos, na mainit na sa lugar kaya nagbalikan na rin ang mga tao sa kani-kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply