LGUs, baka mahawa sa away nina PNoy, CJ

NANGANGAMBA si Sen. Panfilo Lacson na baka “mahawahan” ni Pangulong Benigno Aquino III ang local government units sa pakikipag-away nito kay Chief Justice Renato Corona.

Bagama’t simpleng ipinagtanggol ni Lacson si Aquino, medyo binatikos din niya ang punongekhekutibo sa pagsasabing “tumpak ang mensahe, ngunit mali ang okasyon.”

Sa panayam, sinabi ni Lacson na lubhang nakababahala ang sigalot sa pagitan ng executive at hudikatura na baka lumipat ang patuloy na pagkalaban ng Palasyo sa mga desisyon ng Supreme Court, sa local government units na tablahin din ang desisyon ng lokal na korte.

“My worry there it might replicate in other level of the government particularly in the LGUs (local government units), where a governor defies an order from the Regional Trial Court on laws or an ordinance that has been decided for implementation by the court because they are seeing the same in the national level,” ayon kay Lacson.

Dahil dito, iminungkahi ni Lacson na makialam na ang Kongreso sa sigalot upang hindi na tuluyan pang lumala ang sitwasyon na nakatatakot na mangyari din sa lokal na pamahalaan.

Sakaling magkaroon ng pulong sa pagitan ng ekhekutibo at hudikatura, sinabi ni Lacson na dapat pag-usapan ang parameter sa pamamahalaan, hindi makialam sa hiwalay na kapangyarihan at tungkulin ng bawat isa sa ilalim ng Saligang Batas.

“Magkasundo sila with parameters, magkasundo sa pamamaraan, but not against the national interest,” aniya.

Sinuportahan naman nina Senador Gregorio Honasan at Senador Jinggoy Estrada ang panukala ni Lacson na mamagitan ang Kongreso sa bangayan ng dalawang naturang sangay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply