LGUs, national agencies handa na sa La Nina

HANDA na ang local government units (LGUs) at national agencies na ikasa ang contingency measures bunsod ng paghambalos ng La Niña phenomenon sa bansa.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na handing-handa na ang national at local officials na iimplementa ang kanilang disaster preparedness plans upang mabawasan ang epekto ng natural disaster sa buhay at ari-arian ng taumbayan.

“Nakikita po natin na kahit hindi panahon ng tag-ulan ay nagkakaroon ng medyo malalakas na pag-ulan at bagyo. Tuloy-tuloy po ang disaster preparedness lalo po sa pagpasok ng La Niña,” diing pahayag nito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) officer-in-charge at Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul na ang Metro Manila at ilang lugar sa Bicol at Visayas region ay patuloy na makakaranas ng matindi at malakas na ulan sa mga susunod pang araw.

Sa ulat, tiniyak ng mga lokal na opisyal na handa na silang ilikas ang kanilang mga kababayan sa mga lugar na idineklarang “highly susceptible” sa pagbaha at landslides.

Patuloy namang naka-monitor ang LGUs sa mga flood-prone areas sa kani-kanilang mga munisipalidad lalo na ngayong malakas ang pagbuhos ng ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply