Lhuillier Gems at Freego Jeans pananatilihin ang panalo

IPAGPAPATULOY ang pangunguna sa 10-team composition ng Freego Jeans at Cebuana Lhuillier Gems sa laban nila ngayong gabi sa PBA D-LEAGUE Aspirants Cup na gagawin sa Adamson University Gym.

Makababangga ng Lhuillier Gems ang PC-Gilmore sa unang laro na magsisimula alas-2:00 ng hapon sa susundan ng labanan ng Jeans Makers at Big Chill alas-4:00 ng hapon sa main game.

Kapwa tangan ang 5-1 win-loss slate ng dalawang top contender habang ang Big Chills ay may record na 4-2 at wala pang panalo sa tatlong laro ang PC-Gilmore. Gagabayan ni coach Luigi Trillo ang Cebuana Lhuillier galing sa 81-65 panalo laban sa Big Chill noong Lunes.

Ang PC-Gilmore na tinatanganan ni coach Art Dela Cruz ay natalo sa Freego Jeans, 52-85. Sila ay pinangunahan nina Mark Acosta, Rome Dela Rosa, Paulo Taha at Mark Sarangay.

Noong Huwebes (Nobyembre 23) ay nalagot ang 5-game winning streak ng Jeans nang sila ay lupigin ng DUB Unlimited sa score na 78-62.

Ang Freego Jeans na tangan ni coach Leo Austria ay kinabibilangan ng mga manlalaro ng Adamson University Falcons na sina Janus Lozada, Lionel Manyara, Jerick Cañada, Lester Alvarez at Roider Cabrera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply