Libong pasahero sa mga pier stranded pa rin

STRANDED pa rin ang 1,837 bilang ng mga pasahero sa iba’t ibang pantalan dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), sa Bacolod ang pinakamaraming bilang ng stranded na pasahero na umabot sa 1,486; sumunod sa Iloilo na may 317 pasahero, habang 24 naman sa Roxas at 10 sa San Jose De Buenavista.

Bukod sa mga stranded na pasahero ay hindi pa rin maaaring makabiyahe ang ang siyam na mga barko dahil sa malalaks na hampas ng alon sa karagatan.

Nauna nang naiulat na may 440 ang namatay at 200 katao pa ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyong Sendong kung saan karamihan sa mga lugar ay lubog pa rin sa tubig baha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply