Libreng flu vaccines sa senior citizens

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang senior citizens na magkaroon sila ng bakuna laban sa flu na libreng ibinibigay sa health centers sa buong bansa.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric tayag, ang nasabing bakuna ay kabilang ang para sa A (H1N1) strain,  ngunit ibibigay lamang ito sa “first come, first served” basis sa senior citizens hanggang matapos ang buwan nitong taong 2011.

Ginawa ni Tayag ang pahayag bilang bahagi ng 2011 National Population Congress na gagawin sa Biyernes sa Diamond Hotel sa Maynila.

Dagdag pa ni Tayag na ang mga bata, matatanda at mga buntis ang kabilang sa mga madaling dapuan ng naturang sakit dahil mahina ang kanilang mga resistensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply