Libreng tawag sa Syria ikinasa ng OWWA

MANILA, Philippines– Libre ang tawag ng mga Filipino dito sa Pilipinas sa kanilang mga kamag-anak na nagtatrabaho sa bansang Syria.

Ang programa ay ikinasa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at tinatawag na “Operation Syria Libreng Tawag.”

Layunin nito na magkaroon ng komunikasyon ang OFWs na nasa gitna ng lumalalang tensyong pulitikal sa Syria, sa mga kaanak dito sa Pinas.

Sinabi ng ahensya, na maaari nang pumunta ang mga kapamilya ng mga OFW sa OWWA Regional Offices sa iba’t ibang dako ng Pinas.

Sa ulat ni OWWA Administrator Carmelita Dimson kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, na binuksan nila ang linya ng komunikasyon upang matulungan ang mga pamilya na ma-locate ang mga manggagawang Pinoy sa Syria at matiyak na ligtas doon.

Gayundin ang maipaalam sa mga ito na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maalalayan sila (OFWs) sa gitna ng mga kaguluhan sa Syria.

Sa bilang na 500 rehistradong manggagawang Pinoy sa Damascus, Syria, 383 lamang ang pumayag sa mandatory repatriation mula noong Disyembre 16, na inilatag ng pamahalaan.

Umabot na sa level 4 ang antas ng alerto sa Syria dahil sa malawakang kaguluhan doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply