Libreng text, tawag sa CDO, Iligan City ipinanawagan

UMAPELA si Quezon City Rep. Winston Castelo sa mga kompanya ng telecommunications na magbigay ng libreng serbisyo ng text sa loob ng 15 araw sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ayon kay Castelo, sa mga ganitong pagkakataon ay dapat magpakita ng “sense of patriotism and corporate social responsibility” sa mga biktima ng flashfloods sa nabanggit na mga lalawigan at siyudad kung saan nasa mahigit 1,000 na ang nasasawi.

Paliwanag ni Castelo na makapagbabawas ng pighati at pagdaramdam sa mga kaanak ng biktima ng bagyong “Sendong” ang libreng text at tawag.

“These telecommunications firms have to return a portion of their earning to the communities they have been serving,” ayon kay Castelo.

Samantala, naghain din ng isang resolusyon si Bayan Muna Rep. Teddy Casino na nananawagan naman sa mga kompanya ng telepono na isama sa “message alert” ang ukol sa papalapit na bagyo o anumang uri ng kalamidad.

Ito aniya ay hindi maiiwasan sapagkat ang Pilipinas ay dinadaanan ng may 19 na bagyo sa loob ng isang taon at upang maiwasan na rin ang pagkaulit ng trahedya sa CDO at Iligan kung saan gabi naganap ang pagbaha at hindi nakahanda ang mamamayan. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply