Lim humataw sa US tennis tourney

HULI ka!

Isang malaking isda ang sinilid sa net ni Philippine qualifier Albert Lim, Jr. nang hatawin si second seed Alexander del Corral ng US, 6-2, 6-1 sa boys 12-and-under singles quarterfinals ng Junior Orange Bowl 49th International Tennis Championships na ginanap sa Coral Gables City, Florida.

Matapos makasilat ay sasampa ang 12-anyos na si Lim sa semifinals upang makipagtuos kay American Noah Makarome.

Kahit bagito pa lang sa international tournament ang college freshman ng Letran na si Lim ay naging buo ang loob nito upang isa-isahing pagpipisakin sina Barnaby Smith ng Great Britain 7-5, 6-0, Jonathan Hefets ng Israel (6-2, 6-1), Francisco Catulo ng Portugal (6-0, 6-0), at no. 5 Thomas Etcheverry ng Argentina (3-6, 6-1, 6-1).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply