Lima katao kalaboso sa piranha

SWAK sa kulungan ang lima katao matapos makuha ang mga binibentang isdang piranha sa Caloocan City kagabi (Disyembre 1).

Nakilala ang mga nadakip na sina Gary Reynold Alcantara, 28, negosyante; James Jomel Gabriel, 33; Karl Frederick Felizardo, 25; Rodrigo Luciano, 27 at Joan May Tobias 28, pawang mga residente ng Cainta at Taytay Rizal.

Sa ulat, dakong alas-11:00 kagabi nang madakip ng mga awtoridad ang mga suspek sa kahabaan ng Caimito Road ng lungsod matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ang mga ito ng piranha.

Nakuha sa mga suspek ang 60 piraso ng fingerlings na mga piranha na nakalagay sa tatlong container na may tubig, na mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply