Limang brutal na parak sinibak

SINIBAK sa kanilang puwesto ang limang kagawad ng Philippine National Police na inaakusahang nagmalupit sa dalawa nitong mga kasamahan sa loob ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) Region 10, ayon sa ulat ng pulisya

Ito ay kasunod ng imbestigasyon na isinagawa ni PNP Regiona 10 director PChief Supt. Jufel Adriatico na umano’y may probable cause ang reklamong inihain ng mga biktimang sina PO1 Job Seronay at Nick Ryan Ampong dahil sa physical maltreatment na dinanas ng mga ito sa kamay ng mga sinibak noong Hunyo.

Ayon kay PNP-10 spokesman C/Insp. Regina Abanales, kabilang sa sinibak sa trabaho ay sina SPO2 Charles Osip, PO1s Reynante Cam, Ryan Mañoza, Rex Luzdoc at Dhon Isador Oracoy.

Sinabi ni Abanales na normal lamang na proseso kung mayroong kasamahan nila na iniimbestigahan ay sisibakin sa puwesto para hindi naman maimpluwensiyahan ang takbo ng imbestigasyon.

Sa ngayon, nasa Camp Alagar na ang limang mga pulis habang naghain na rin ng motion for reconsideration sina Seronay at Ampong base na rin sa rekomendasyon ng investigating body na binuo ni Gen. Adriatico para muling imbestigahan ang reklamo.

Una nang umangal ang dalawang biktima nang sila ay tinanggal sa pagkapulis dahil sa kuwestiyunableng rekomendasyon ni Osip na ilagay sila sa absent without leave (AWOL).

Iginiit ng mga biktima na sila pa nga ang biktima ng pananakit ng mga kasamahan subalit sa halip ay sila pa ang tinanggal sa serbisyo.

Subalit muling nilinaw ni Abanales na sasagutin pa ng dalawang biktima ang pagiging AWOL kahit iginiit pa ng mga ito na umiwas silang bumalik sa RPSB para hindi nila maranasan muli ang umano’y panununtok, pamamalo at gawing katatawanan sa loob ng kampo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply