Listahan ng papalit kay Corona ipinalalatag na

IPINALALATAG na ni Pangulong Benigno Aquino III ang listahan ng ipapalit kay Chief Justice Renato Corona.

Ipinag-utos na ni Pangulong Aquino sa kanyang legal team na agad na magsumite ng shortlist ng ipapalit kay Corona.

Sa kasalukuyan ay wala pa namang naiisip si Pangulong Aquino kung sino ang ipapalit kay Corona.

Layunin ng Pangulo na magkaroon na ng listahan ng mga nominado sakaling mapatalsik sa puwesto ang punong mahistrado sa pamamagitan ng nakakasang impeachment laban dito.

Kaugnay nito, hiniling na ni Corona na maibasura ng Senado ang articles of impeachment na isinampa laban sa kanya ng Kamara de Representantes.

Hindi naman umano alinsunod sa requirements ng Konstitusyon at kawalan ng tinatawag na form and substance ang reklamo sa kanya.

Naniniwala si Corona na pinipilit lang ng Malakanyang  na sirain siya sa pamamagitan ng patuloy na pag-uugnay sa kanyang pangalan kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

Samantala, malalaman na ang private prosecutors na makikibahagi sa impeachment trial ni Corona.

Ayon kay Iloilo Rep. Neil Tupas, lead panel prosecutor, bukod sa private prosecutors na ihahayag ngayong linggo ay tinatapos na rin ang paglalatag sa assignments ng mga kongresistang tatayong taga-usig sa impeachment trial.

Samantala, inihayag pa dito ng impeachment manager na si Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya na hindi pa sakop ng radar ng prosecution team ang pagpapatalsik sa sampu pang mahistrado gaya ng naunang pahayag dito ng Palasyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply