Litsong idi-display sa bangketa kukumpiskahin

KUKUMPISKAHIN ang mga litson na iniiwang naka-display sa mga lansangan sa Quezon City dahil posibleng makontamina ang mga ito sanhi ng polusyon at hindi tiyak na ligtas kainin ng tao.

Sinabi kaninang umaga ni g Quezon City veterinary office head Dr. Ana Marie Cabel, na bibigyan nila ang mga lechon sellers ng tatlong babala bago ikasa ang pagkumpiska sa isa sa pinakapaboritong pagkaian ng mga Filipino tuwing Kapaskuhan.

Pinayuhan ni Cabel ang mga lechon sellers na siguruhin na mayroon silang secure meat inspection certificates sa kanilang ibinebentang produkto para masiguro ng publiko na ang kanilang itinitindang pagkain ay ligtas kainin ng tao.

Nauna rito, binalaan ng health officials ang publiko ukol sa mga litson na nakikitang nasa labas ng kanilang tindahan. Anila, ang mga ito ay hindi tiyak na ligtas kainin dahil pwedeng makontamina ng iba’t ibang bakterya na makukuha sa polusyon.

Pero giit naman ng mga manggagawa ng lechon outlets sa La Loma, Quezon City, na kaya naman nila iniiwan ang kanilang produkto sa mga bangketa ay para palamigin sa maikling oras ang mga bagong litsong baboy.

“Inilalabas muna para lumamig, nililinis yan. Pag tapos linisin, ipapasok sa loob ng salamin. Kasi pag umuusok pa, magmo-moist yan sa loob,” pahayag ng isang manggagawa sa isang lechon outlet.

Nang tanungin naman kung makokontamina agad ang litson kahit sa maikling oras lamang, sumagot ang manggagawa na, “hindi naman ho, pinapasok namin iyan agad para idisplay sa istante.”

Nagiging mabili ang litson simula Disyembre 20 hanggang matapos ang Kapasakuhan at magsisimula na namang maging mabili, dalawang araw bago naman ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply