LJ Reyes pinagpapalo at kinurot

HINDI naitago ni LJ Reyes ang sinapit na pangungurot at pagpalo sa kanya ng mga tao nang makita siya habang namamasyal.

Magmula nang maging kontrabida siya sa TV series na Time of My Life ay marami nang nagalit sa kanya dahil sa pagiging malupit na karibal ni Kris Bernal sa dance floor.

“Kapag lumalabas ako, may bumabati pero kapag naalala nila ang ginawa kong pang-aapi kay Kris (Bernal) sa series ay nagagalit sila at kinukurot ako. Salbahe raw ako pero nakatawa naman sila habang kinukurot at minsan may pumapalo,”
pahayag ni LJ na obvious na masaya magmula nang magsilang ng sanggol.

Ask kung inalok na ba siya na kasal ni Paulo Avelino (ama ng isinilang niyang sanggol), ito ang kanyang kasagutan.

“Wala pa pong wedding proposal. Decision naman po namin pareho na huwag na munang magpakasal. Samantalahin muna namin ang pagkakataong may ibinibigay sa aming proyekto. Kapag okey na kami, financially, saka na siguro magpapakasal,” say pa ni LJ nang makatsikahan namin sa idinaos na pa-Christmas party for the press ng PPL Entertainment Inc. na pag-aari ni Perry P. Lansigan na kung saan isa lang si LJ sa kanyang 15 talents.

Dahil open naman sa lahat ng tanong ay nahingan namin ng reaction si LJ sa balitang “hawak” daw ngayon ng isang executive ng isang higanteng network ang live-in partner niyang si Paulo Avelino.

“Napag-usapan namin po yan ni Pao. Natatawa lang po kami. Kasi di naman totoo,” nakangiting pahayag ni LJ.

***

MALAMIG ang Pasko ni Kris Bernal dahil naghiwalay na sila ng nababalitang boyfriend na si Jay Perillo.

Hindi naitago ng young actress ang lungkot sa mata nang makausap namin siya sa presscon ng Panday 2 na entry sa Metro Manila Film Festival sa December.
Halatang bothered siya sa kanilang paghihiwalay.

Hindi raw sila nag-away nang grabe. Iba lang daw ang naging priorities nila ngayon.

“Siyempre, nakalulungkot dahil si Jay ang isa sa pinaka-close na guy sa akin. More than a year din niya akong niligawan. Siguro mas mabuti na rin ang ganito para walang masyadong stress sa aming dalawa,” paliwanag ni Kris.

Anyway, kahit malungkot si Kris ay excited naman siya ngayon dahil first time siyang sasakay sa karosa sa parade ng Metro Manila Film Festival sa Dec. 24, kasama ang cast ng Panday 2 sa pangunguna nina Bong Revilla, Philip Salvador, Alden Richards, Marian Rivera, Iza Calzado, Lorna Tolentino, Lucy Torres atbp.

***

SA IKA-APAT na version ng pelikulang Asiong Salonga mapapanood ang mga hindi nailagay sa tatlong nakaraang version ng nasabing movie. Ito ang kinumpirma sa amin ni Laguna Governor E.R. Ejercito na siyang gaganap na Asiong Salonga.

Ang medyo maselan lang daw talaga na hindi nila puwedeng ilagay sa movie ay ang mga naging wife ni Asiong Salonga. Apat na wife lang ang naisama sa movie, una niyang wife ay gagampanan ni Carla Abellana at iba pang wife ay sina Valerie Concepcion, Paloma Esmeria at Jaycee Parker.

Ayon kay Gov ER, hindi lang apat ang naging wife ni Asiong Salonga. Katunayan may taga-showbiz din naging asawa ni Asiong na buhay pa raw hanggang ngayon kaya hindi nila puwedeng isama sa movie para protektahan ito.

Anyway, sabi pa ni Gov ER, maipagmalalaki niya ang fourth version ng Asiong Salonga na idinirek ni Tikoy Aguiluz na mapapanood in a black and white.

Ang main theme ng kwento ay loyalty, betrayal and territory. It happened in the early 50s pagkatapos na talunin ng Pilipinas ang mga Japanese at makuha ang Independence sa mga Kano.

Si Asiong ay bunsong anak ng isang war veteran at ordinaryong government worker na isinilang sa Tondo, Manila and becomes a notorious well-loved kingpin.

Dahil sa may nagawang kasalanan ay nakulong siya kasama ang iba pang gang leaders. At sa kulungan, nagkaroon siya uli ng teritoryo, naglabas-masok siya ng kulungan pero dumating din ang araw ng kanyang kalayaan.

Paglabas ng prison ay gusto na niyang magbagong buhay pero pinatay siya ng taong kanyang pinagkakatiwalaan.

Totoo ang kasabihan na ang taong nabuhay sa baril, sa baril din mamamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply