Llamados, Tigers mag-aagawan sa Final Four spot

TATAPUSIN ng B-Meg Llamados at Powerade ang kanilang playoff match bukas ng gabi (Disyembre 18) sa 2011-12 PBA Philippine Cup na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Malalaman bukas nang alas-6:30 ng gabi kung sino ang susunod na papasok sa Final Four kung saan ay tatlong upuan na lang ang bakante matapos sikwatin ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang unang silya.

Nakapuwersa ng rubber match ang Tigers matapos manalo sa Llamados noong Miyerkules, 97-88.

May insentibong twice-to-beat ang B-Meg at Talk ‘N Text dahil sila ang No. 1 at 2 ayon sa pagkakasunod sa elimination rounds.

Samantala, nakauna sa best-of-three playoff ang Petron Blaze Boosters at Rain or Shine Elasto Painters matapos nilang manaig sa kani-kanilang laban kagabi (Disyembre 16).

Naubusan ng hininga ang Barangay Ginebra Kings sa Elasto Painters, 105-112, habang yumuko ang Meralco Bolts sa Boosters, 84-91.

Nakalamang ng 17 puntos ang Kings subalit pagdating sa huli ay napagod ang mga ito at tuluyang nawalan ng hininga pagkatapos ng overtime period.

Si Paul Lee ang namuno sa RoS para makahabol sa fourth canto matapos tumikada ng 13 points at tatlo naman sa extra period.

Sa parte ng Boosters, si Alex Cabagnot naman ang kanilang naging bayani dahil bumira ito ng 10 puntos sa huling walong minuto para ilapit ang Petron sa Final 4. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply