Llamados tutukain ang twice-to-beat incentive

PUNTIRYA ng B-Meg Llamados na pupugin bukas ng hapon (Disyembre 8) ang huling slot para sa twice-to-beat advantage sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum.

Nakadapo sa second spot ng team standings ang Llamados bitbit ang 9-4 win-loss record kung saan ay kailangan nilang talunin ang wala pang panalong Shopinas.com Clickers sa kanilang 5:15 p.m. encounter upang masiguro ang nasabing incentive.

Galing sa pitong sunod na panalo ang B-Meg at dahil halos nagagamayan na ni two-time MVP James Yap ang pamatay na “triangle offense” ni coach Tim Cone ay pihadong magpapatuloy ang hinagpis ng Clickers dahil bokya sila sa pagtatapos ng conference.

Napindot ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang unang slot matapos nilang katayin ang Petron Blaze Boosters, 80-78 kagabi sa nasabing lugar.

May 10-4 record ang Tropang Texters.

Nasa pangatlong puwesto ang Boosters tangan ang 9-5 panalo-talo karta habang pang-apat at pang-lima ang Rain or Shine Elasto Painters at Barangay Ginebra Kings na may 8-5 at 7-5 baraha ayon sa pagkakasunod.

May posibilidad na magkaroon ng four-way tie para sa huling bonus kung matatalo ang Llamados at manalo ang natitirang laro ng Elasto Painters at Kings.

Sa second game na uumpisahan sa alas-7:30 ng gabi, haharapin ng Kings ang Barako Bull Energy.

Sasandalan ng Barangay Ginebra ang kanilang umento matapos magkabit ng tatlong sunod na panalo.

Wala namang mawawala sa Energy dahil anuman ang kalalabasan ng kanilang laro ay mananatili itong pasok sa susunod na stage. Elech Dawa

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply