Local officials binalaan sa pagpapabahay malapit sa Cagayan River

BINALAAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga lokal na opisyal ng Cagayan de Oro City hinggil sa pagpapabahay (housing projects) malapit sa Cagayan River matapos ang kalunos-lunos na flashfloods doon na kumitil sa halos 1,000 buhay.

Ayon kay Sevillo David, Jr., chief geologist ng DENR Mines and Geosciences Bureau, na ilang taon na ang nakalilipas ay inirekomenda na nila ang relokasyon ng mga residenteng naninirahan malapit sa Cagayan River at  nagpamahagi na rin ng geohazard maps.

“Sa pag-aaral namin, hindi dapat nagkaroon ng settlement sa mga area na iyon kasi nga madaling bahain iyan at kapag nagka-flashflood, madaling ma-wash out,” ayon kay David.

Inihalimbawa ni David ang naging kaso sa Isla de Oro, isang komunidad na nasa gitna mismo ng ilog na winalis ng bagyong Sendong na dapat ay walang naninirahan doon.

Pinakiusapan na rin ng ahensiya ang mga lokal na opisyal na umpisahan na ang relokasyon ng mga residente malapit sa ilog at paglalagay ng mga dike para maagapan ang kahalintulad na trahedya.

“Isa mga kino-consider natin as alternative para ma-control ang pagbaha ay ang paggawa ng dikes, pagre-rechannel or ang pag-dredge ng ilog para ma-increase ang kanyang kapasidad. ‘Yung pinakadaanan ng ilog at malapit sa pinakailog, iyon ang dapat irelocate,” ayon pa kay David.

Kaugnay nito, sinisisi rin ng mga geologist sa naganap na trahedya ang illegal logging na nangyayari sa kabundukan at ang malaking volume ng tubig na ibinuhos ng bagyo sa Cagayan de Oro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply