Lola kinatay ng may sayad na kapatid

PINANINIWALAANG pinatay ng sariling kapatid ang isang 70-taong gulang na matanda sa bayan ng San Jose sa lalawigan ng Antique.

Ang biktimang nakilalang si Clarita Guanzon na nakitang naliligo sa sariling dugo sa loob ng tahanan nito.

Kaagad namang inaresto ang nakababatang kapatid nitong si Romeo Guanzon, 60, dahil sa nakitaan ito ng maraming dugo sa damit na suot-suot.

Base sa impormasyon na nakuha sa San Jose Municipal Police Station, ang dalawang magkapatid lamang ang magkasama sa loob ng kanilang tahanan. Nabatid din na si Romeo ay may diperensiya sa pag-iisip.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply