Lola patay sa double hit-and-run

ISANG matandang babae ang nasawi makaraang ma-double hit-and-run sa Quezon City madaling-araw ng Sabado, Disyembre 17.

Batay sa report ng dzBB, patuloy pa ring naghahanap ng lead ang pulisya upang matukoy ang nakasagasa sa naturang babae na hindi pa batid ang pangalan sa eastbound lane ng East Avenue sa Quezon City malapit sa Bangko Sentral ng Pilipinas at East Avenue Medical Center.

“Isang Pajero at isang kotse (ang nakabangga) sa kasagsagan ng ulan,” ayon sa isang bystander na nakasaksi sa aksidente.

Nabatid pa na ang naturang babae ay nakikitang palaboy-laboy lamang sa naturang lugar, ilang araw bago ang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply