Lola tinadtad ng saksak sa loob ng bahay

MALUBHANG sugatan ang isang balo na lola matapos itong tadtarin ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang bahay kaninang madaling-araw sa Marulas, Valenzuela City.

Ang biktima na tinaningan ng doktor ng MCU hospital ng 50/50 tsansa mabuhay sanhi ng walong malalalim na saksak sa iba’t ibang parte  ng katawan ay nakilalang si Myrna Permo, 70, ng 15 Felomina st., Manotok Subdivision, Marulas, Valenzuela City.

Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek matapos maisagawa ang nasabing krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 kaninang madaling-araw nang alamin ng biktima ang kanyang narinig na kalabog sa loob ng kanilang bahay ground floor.

Mag-isang bumaba ang biktima para alamin ang nasabing kalabog at dito na siya sinalubong ng saksak ng suspek at saka mabilis na tumakas palabas ng bahay.

Ayon pa sa pulisya, walang indikasyon na ang bahay ng biktima ay sapalitang pinasok ng suspek dahil sa malaya nitong dumaan sa pintuan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ang nasabing lola ay biktima ng pagnanakaw. Isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya sa agarang ikadarakip ng suspek. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply